Tuesday, March 27, 2012
Wednesday, March 21, 2012
IWB ginagamit na sa CTES
Makapagtuturo
pa kaya ang mga guro kung wala ng chalk at pisara?
Posible!
At ito ay dahil sa Interactive Whiteboard o IWB na kasama sa e-classroom
package ng Computerization Project ng Department of Education (DepEd) na ginagamit
na ngayon ng mga guro sa Camp Tinio Elementary School.
Unang naranasan ng mga mag-aaral ng Grade VI
SPED ang paggamit ng Interactive Whiteboard na sinasabing kapalit ng pisara sa
mga silid-aralan sa kanilang computer class at ayon sa kanila maganda at
nakawiwili ang pag-aaral gamit ito.
Nagbibigay
ng “touch control” ang Interactive Whiteboard sa mga computer applications. Sa
pamamagitan ng projector, makikita sa whiteboard ang screen ng computer at
maaari ng manipulahin ito sa pamamagitan ng direktang pagpindot o paghawak sa
board.
Dahil sa
mga computer applications na nasa computer package, mas nagiging dinamiko,
interaktibo, at nakakaaliw ang pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga
mag-aaral.
SApagkat
nag-iisa lamang ang Interactive Whiteboard, itinakda ang schedule ng paggamit
ng bawat klase.
Aminado
naman ang ICT coordinator ng Camp Tinio Elementary School na hindi pa gaanong
handa ang mga guro sa paggamit ng Interactive Whiteboard.
Sinanay ang labingwalong guro ng Camp
Tinio Elementary School ng Columbia Technologies, Inc. sa paggamit ng
Interactive Whiteboard kamakailan sa pangunguna ni Engr. Lyster Fama.
Subscribe to:
Posts (Atom)