Pinuri ng Pangulong Benigno Aquino
ang Department of Education o DepEd sa kaniyang ika-apat na State of the Nation
Address noong Lunes. Naging sentro ng papuri ang mga gawain ng kagawaran sa
pagtugon sa mga backlogs o kakulangan sa mga paaralan sa bansa.
Kung Camp Tinio Elementary School ang
tatanungin, papuri rin ang ibabato nito sapagkat isa ang paaralan sa mga
nakararanas ng pagsisikap ng kagawaran na maibsan ang mga kakulangan nito.
Patunay nito ang tatlong daan at
labinlimang upuang inihatid sa paaralan
kamakailan lang bilang bahagi ng DepEd
School Furniture Program na inilunsad noong nakaraang taon.
Nakatakdang ipalit sa mga umuugang
mga upuan ang mga bagong silyang bahagi ng
941.3 milyong halagang inilaan sa nasabing programa.
Ramdam din ng paaralan na unti-unti
nang naiibsan ang kakulangan sa mga libro. Nauna nang ibinalita sa programang
ito ang mahigit limanlibong mga bagong librong ipinamahagi noong nakaraang
pasukan sa mga mag-aaral ng Camp Tinio Elementary School.