Umuusbong ngayon sa Camp Tinio Elementary School ang
mga gulayan sa bawat bakuran ng mga silid-aralan.
Ito ay dahil sa paghahanda ng bawat silid-aralan sa
patimpalak na Model Classroom na inilunsad ng bagong punong-guro ng Camp Tinio
Eleme
ntary School na si Gng. Melody Eden Montevirgen.
Isa kasi sa mga hahanapin ng mga evaluators sa
darating na Agosto ang pagkakaroon ng gulayan sa bakuran ng bawat silid-aralan.
Abala ang magulang na ito sa Grade III na pagandahin ang kanilang vegetable garden. |
Ayon kay Gng. Montevirgen, ang pagkakaroon ng
vegetable garden sa bakuran ng mga silid-aralan ay isang paraan sa
pagpapaigting at pagsuporta sa “Gulayan sa Paaralan” na mandato ng DepEd.
Kung dati-rati ay puro halamang ornamental ang
makikita sa harap at likod ng mga silid-aralan, ngayon ay may mga sari-saring
gulay na rin ang nakatanim.
Kapansin-pansin rin ang paggamit ng mga gulong,
sako, at plastic bottles sa mga gulayan bilang taniman.
Katuwang ng mga guro sa pagtatanim ng mga gulay ang
mga mag-aaral at kanilang mga magulang.