Busog na ang tiyan, busog pa ang isipan.
Pinatunayan ito ng mga mag-aaral ng Camp Tinio Elementary School na lumahok at nag-ala chef sa Nutri Cookfest noong nakaraang linggo na bahagi ng pagdiriwang ng paaralan sa Buwan ng Nutrisyon.
Bukod sa mga masusustansiyang pagkain na bumusog sa mga mag-aaral, hindi maitatatwa ang mga kakayahang pangkusinang naranasa at natutunan ng mga ito sa kanilang pakikilahok sa taunang Nutri Cookfest maging babae o lalaki man.
Mula sa tamang pagtatalbos, hanggang sa pagbabalat ng gulay ay naranasan at natutunan ng mga mag-aaral.
May mga nakaranas din ng magparingas ng apoy, maghiwa ng mga gulay, maglinis ng isda, maghalo ng lutuin, at magprito.
Hindi rin maitatanggi ang kahusayan ng ilan sa food presentation tulad na lamang nitong tortang cauliflower na napaliligiran ng animo pabulaklak na pechay baguio, at itong seafoods supreme na pinalamutian ng berdeng seeweeds.
Itinanghal na panalo sa paligsahan ang putaheng seafood fiesta ng Grade V at ginataang dahon ng kamoteng kahoy at crispy kangkong naman ng Grade VI.
Natalo man ang karamihan, panalo naman sila sa habambuhay na karanasang hindi nila malilimutan.
name:vince daryl zamora
ReplyDeleteissue:Kakayahang pangkusina, natutuhan ng mga mag-aaral sa Nutri Cookfest ng Camp Tinio Elementary School
opinion:ang saya nang naranasan namin to sayang natalo kami pero busog naman kami
Name: Kathlyn May Pineda
ReplyDeleteIssue: Kakayahang pangkusina, natutuhan ng mga mag-aaral Nutri cookfest ng Camp Tinio Elementary School
Your own Opinion:
It's great that the students in Camp Tinio Elementary is be in cookfest.
name: hannah marie carig
ReplyDeleteIssue: Kakayahang pangkusina, natutuhan ng mga mag-aaral Nutri cookfest ng Camp Tinio Elementary School
opinion:mas marami ang mararanasan ng mga bata sa eskwelahan kaya dapat lng na may cookfest upang sila ay matuto rin magluto marami man ang natalo pero hindi namin ito makakalimutan.