Hanggang sa katapusan na lamang ng
Hunyo mananatili sa bakuran ng paaralan ang mga magulang ng mga mag-aaral sa
Kindergarten at Grade I sa Camp Tinio Elementary School.
Ito ang mariing naging desisyon ng
pamunuan ng paaralan upang maiwasan ang umpukan ng mga magulang sa tapat ng
silid-aralan ng kanilang mga anak.
Ang ilan kasi sa mga magulang, bukod
sa pag-uumpukan, ay lamas-pasok pa sa silid-aralan habang nagkaklase ang mga
bata. Ang iba ay nakadungaw sa bintana at ang iba naman ay nasa loob pa ng
silid-aralan at tila kasama sa klase.
Ang mga pangyayaring ito, ayon sa mga
guro ay abala sa kanilang klase.
Tanggap naman ng mga magulang ang
naging pasiya ng pamunuan at ayon sa kanila ay handa naman silang sundin ang
patakaran bagamat hindi anila maaalis sa kanila ang pag-aalala sa kanilang mga
anak.
Ang waiting shed sa harap ng paaralan
ang inilaang lugar na hintayan para sa mga magulang ng mga mag-aaral sa
kindergarten at Grade 1.