Sarado na sa mga naghahatid at nagsusundong sasakyan
ang tarangkahan ng Camp Tinio Elementary School matapos ipagbawal ang pagpasok
ng mga ito sa bakuran ng paaralan simula ngayong taong panuruan.
Dati rati kasi’y labas masok ang mga sasakyan sa
bakuran ng paaralan at madalas ay nakapagtatala ng mga aksidente.
Upang tuluyang maiwasan ang mga aksidente, naglaan ang
paaralan ng parking area para sa mga sasakyan na maghahatid at susundo sa mga
mag-aaral ng Camp Tinio Elementary School.
Katulong ng barangay, naglaan din ng mga no parking
signs sa labas ng paaralan upang maiwasan ang iba pang mga aksidente sa daang
palabas ng Camp Tinio Elementary School.
Inaasahang magiging matagumpay ang hakbang na ito ng
paaralan para sa seguridad ng mga mag-aaral.
Steffany M. Matsuo
ReplyDeleteConclusive: Transpotations,were entering the school and parking outside of the school have been banned,to avoid accidents and to secure the safety of the students.