Ipinahayag ng punong-guro ng Camp Tinio Elementary School na
si Dr. Consuelo Rivera ang paninindigan ng pamunuan ng paaralan hinggil sa
talamak na kamalian ng ilang mga guro nito hinggil sa pagbibigay ng proyektong
gawain o project sa mga mag-aaral.
Naobserbahan kasi ang talamak na panghihingi ng mga guro ng
project sa mga mag-aaral na pawang mga binili lamang at walang kinalaman sa
asignatura.
Isiniwalat naman ng ilang mag-aaral ang kanilang mga naging
karanasan sa maling gawing ito.
Batay sa Revitalized Basic Education Curriculum o RBEC na
siyang pinalitan ng K to 12 Curriculum at siya pa ring sinusunod ngayon sa
ikatlo hanggang ikaanim na baitang, mula 10 hanggang 25 porsiyento ng kabuuang
marka ng mag-aaral sa elementarya ang nakalaang bigat para sa project.
Matatandaang batid ng mga guro ang mga batayang kaalaman sa
pagbibigay ng projects sa mga asignatura dahil isang paksa ito sa pre-service
training ng mga guro noong sila ay nasa kolehiyo pa lamang at gayundin sa mga
in-service training na kanilang dinaluhan.
Ilan sa mga batayang ito ay patuloy na sinusunod ng isang
Master Teacher ng Camp Tinio Elementary School na si Gng. Edna Empania.
Upang tuluyan nang maiwasan ang maling gawi ng ilang mga guro
sa Camp Tinio Elementary School, nakakakasa ang isang in-service training sa
paaralan na tatalakay sa mga dapat at hindi dapat gawin sa pagbibigay ng mga
proyektong gawain sa mga mag-aaral gayundin ang paraan ng pagmamarka sa mga
ito.
May nakalaan namang aksiyong nakalaan sa mga gurong
magpapatuloy sa kanilang maling gawain.
