Wednesday, March 21, 2012

IWB ginagamit na sa CTES

Makapagtuturo pa kaya ang mga guro kung wala ng chalk at pisara?
Posible! At ito ay dahil sa Interactive Whiteboard o IWB na kasama sa e-classroom package ng Computerization Project ng Department of Education (DepEd) na ginagamit na ngayon ng mga guro sa Camp Tinio Elementary School.
 Unang naranasan ng mga mag-aaral ng Grade VI SPED ang paggamit ng Interactive Whiteboard na sinasabing kapalit ng pisara sa mga silid-aralan sa kanilang computer class at ayon sa kanila maganda at nakawiwili ang pag-aaral gamit ito.
Nagbibigay ng “touch control” ang Interactive Whiteboard sa mga computer applications. Sa pamamagitan ng projector, makikita sa whiteboard ang screen ng computer at maaari ng manipulahin ito sa pamamagitan ng direktang pagpindot o paghawak sa board.
Dahil sa mga computer applications na nasa computer package, mas nagiging dinamiko, interaktibo, at nakakaaliw ang pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral.
SApagkat nag-iisa lamang ang Interactive Whiteboard, itinakda ang schedule ng paggamit ng bawat klase.
Aminado naman ang ICT coordinator ng Camp Tinio Elementary School na hindi pa gaanong handa ang mga guro sa paggamit ng Interactive Whiteboard.
Sinanay ang labingwalong guro ng Camp Tinio Elementary School ng Columbia Technologies, Inc. sa paggamit ng Interactive Whiteboard kamakailan sa pangunguna ni Engr. Lyster Fama.

3 comments:

  1. Isa pong napakalaking tulong sa amng mag-aaral ang nasabing proyekto sapagkat di po lingid sa ating kaalaman ang patuloy na modernization di lamang po sa larangan ng edukasyon kundi po sa lahat ng sangay ng gobyerno at maging sa pribado. Kaya saludo po kami sa mga taong nasa likod ng proyekto na ito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Delrick, you should not comment on this part. Comment on an editorial article.Please look for one.

      Delete
  2. Name: Alexzandra D. melad

    what is the title of the article?IWB o Interogative Whiteboard

    what is the laed?Ang paggamit ng IWB ng mga guro at ng mga magaaral ay makakatulong sa kanilang kaisipan

    what is the issue?Makakatulong ang IWB sa pagaaral ng mga istudyante at pati narin sa mga guro.

    what is the opinion of the writter about the issue?Sinanay ang labindalawang guro ng Camp Tinio Elementary School Columbia Technology.

    what kind of lead is used?Predictive


    ReplyDelete