Sunday, January 2, 2011

Mga magulang, mag-aaral, at guro nag-bonding sa SPED and Parents' Day


Nagbonding to the max sa mga pagtatanghal at mga palaro ang mga magulang, SPED pupils at mga guro sa ginanap na SPED Day and Parents’ Day sa Camp Tinio Elementary School ilang linggo bago matapos ang taon.

Nagpasikatan ang mga magulang at kanilang mga anak sa kanilang mga pagtatanghal. May bumirit ng awit, sumayaw ng pakendeng-kendeng at may nag-group dancing. Ngunit higit na nagningning ang pagtatanghal ng Tabije family kung saan tumugtog ang tatlo sa mga miyembro ng nasabing mag-anak ng flute, drum, at gitara.

Nagpaligsahan rin ang mga magulang at kanilang mga anak sa iba’t ibang palaro at masayang nagrambulan ang ilan sa Trip to Jerusalem.

Nabusog din ang mga mata ng mga nagsidalo sa iba’t-ibang pagtatanghal na ipinamalas ng mga SPED pupils. Siyempre, hindi mawawala ang pagsayaw ng hip hop, Hawaiian, at novelty dance. Maging ang mga guro at punung-guro ay hindi nagpapigil sa pag-indak.

Busog din ang tiyan ng lahat nang sama-samang nagsalu-salo ang lahat sa isang pananghalian.

Dinaluhan rin ang nasabing pagdiriwang ng SPED Coordinator ng Sangay ng Cabanatuan na si Ginang Corazon Selarde.

No comments:

Post a Comment