Pasko na!
At Kung ngayong buwan ng kapaskuhan ay napapalamutian ang ilang paaralan ng mga ready-made na pamaskong pandekorasyon, sa ilang bahagi ng Camp Tinio Elementary School ay hindi sapagkat ang mga pamaskong pandekorasyon na sariling gawa ng malikhaing mga kamay ng mga estudyante ay hindi maitatangging uso at patok.
Masining na pinalamutian ng mga grade five at six ang kanilang mga classrooms ng mga pandekorasyong gawa sa iba’t-ibang materyales tulad ng makukulay na papel, mga magazine at diyaryo na sila mismo ang nagdisenyo.
Sa Grade five, agaw pansin ang maliiit na Christmas treeng ito na gawa sa tube ng pinagrolyohan ng tissue paper at maliliit na mga bituing gawa sa lumang magazine.
Pansinin din ang mga bituing mga nakasabit sa kisame na gawa naman sa art paper.
Mayroon ding Christmas tree na gawa sa tingting at garlands na gawa naman sa lumang magazine.
Sa Grade VI, mabubusog naman ang iyong mga mata sa makukulay na mga parol tulad ng mga ito. May pula, dilaw, berde at bughaw.
Lahat ng mga pandekorasyong ito ay sariling likha ng mga mag-aaral at naglalayong paunlarin ang kakayahan ng mga bata sa arts.
Hindi man singganda tulad ng mga ready-made na mga pandekorasyon, hindi naman matatawaran ang karanasan at edukasyong ikinintal ng mga ito sa mga mag-aaral.