Wednesday, December 1, 2010

Pambatong makatang guro at masining na kuwentista ng Sangay ng Cabanatuan, kilala na



Nakilala na ang makatang guro at kuwentista na pamabato ng sangay ng Cabanatuan sa antas pang rehiyon matapos nilang maiuwi ang unang puwesto sa katatapos na Pansangay na Paligsahan sa Makata at Masining na Pagkukuwento na ginanap sa Bulwagan ng mga Guro, kahapon.

Sa tikas ng tindig at lundo ng tinig ay nagawang talunin ni Nimrod Mateo ng ACA Elementary School ang tatlo pang mga kalahok sa pagbigkas ng tula na sina Allan David Valdez ng Camp Tinio Elementary School, nasa ikaapat na puwesto,Carmelita San Juan ng Mayapyap Elementary School sa ikatlong puwesto at June Bernabe ng Lazaro Francisco Elementary School sa ikalawang puwesto.

Masining at interaktibong pagkukuwento naman ang naging puhunan ni Eileen Grace Bautista ng Lazaro Francisco Elementary School upang mapataob niya ang iba pang gurong kuwentista na sina Maribel Pangilinan ng Pula Elementary School na nasa ikaapat na puwesto, Charity Guevarra, sa ikatlo, at Rosanna Flores ng Bagong Sikat Elementary School sa ikalawang puwesto.

Sina Mateo at Bautista ang kakatawan sa sangay ng Cabatuan sa Panrehiyong Paligsahan sa Makata at Masining na Pagkukuwento sa ika-tatlo ng Disyembre sa Pampanga.

No comments:

Post a Comment