Wednesday, December 1, 2010












Sa serbisyo sa bayan noong nakaraang halalang pambarangay, papuri sa kaguruan nagpapatuloy


Kahit tapos na ang pagpaparangal sa mga guro noong World Teachers’ Day, patuloy pa rin ang pagpuri sa mga kaguruan sa kanilang serbisyo sa bayan lalo na nitong nakaraang halalang pambarangay.
Sa Camp Tinio Elementary School pa lamang, hindi biro ang ginawang pagtupad sa tungkulin ng tatlumpung mga guro simula noong oryentasyon hanggang sa pagsasauli ng election paraphernalia.

Sa oryentasyon ay hirap na ang mga guro sa pagtanda ng mga tagubilin ng COMELEC dahil sa kawalan ng kopya ng general instructions subalit mataman pa ring nakinig ang mga guro at nagtanong upang malinawan ang mga bagay-bagay sa isasagawang halalan.

Puyat naman ang inabot ng mga guro sa pagkuha ng election paraphernalia nang hindi maibigay ang mga gamit sa oras na itinakda ng COMELEC. Gayunpaman, naghintay pa rin ang mga guro na maibigay ang mga gamit.

Dahil hindi naibigay sa takdang oras ang mga balota, maaanghang na mga puna naman ang natanggap ng mga guro sa mga botanteng naghintay ng mahigit tatlong oras sa pagbubukas ng mga presinto. Ininda man ito ng mga guro, tanging ang pagtahimik lamang ang kanilang naging sagot.

Sa pagboto naman, pinagsilbihan ng mga guro ang mga botante sa paraang propesyunal. Hangang sa pagbibilang ng mga boto at pagbabalik ng mga paraphernalia ay tumugon ang mga guro sa atas na nakabalikat sa kanila.

At kahit may sakit, nagpatuloy pa rin ang pagsisilbi ng mga guro. Katulad na lamang ni Ginang Emma Omamalin ng Camp Tinio Elementary School na nagtiis sa kanyang sore eyes matupad lang ang kanyang tungkulin.

Kaya naman, sa pagpapakasakit ng mga guro sa pagtupad sa kanilang tungkulin tuwing eleksiyon, nararapat lamang ang pagbati ng parangal sa kanilang lahat.

1 comment:

  1. Name: Nerisa Mae C. Adigue
    Issue: Sa serbisyo sa bayan noong
    nakaraang halalang pambarangay.
    Opinion: Teacher's involvement during
    election.
    Own opinion: Yes, I believe that teacher's are
    are said to be heroes of every
    election season. Not all people
    knew it, but they are the one's
    that are being abused mentally,
    physically, and emotionally. They
    have to go through so much during
    elections yet the government can't
    give them enough protection or
    even benefits. "

    ReplyDelete