Matapos segundahan ng SLAC ang ginawang pagbisita ng Division Supervision Team sa Camp Tinio Elementary School na kung saan binigyang-pansin ang naging resulta ng Spot Test, mga magulang naman ang pinuntirya ng pamunuan ng nasabing paaralan upang hingin sa mga ito ang tulong na siyang magbibigay aksiyon sa mga suhestiyong inilatag ng Division Supervision Team sa ikaaangat pa ng paaralan.
Pangunahing tinalakay sa general PTA meeting ay ang pagpapabakod ng paaralan na siyang isa sa mga naging suhestiyon ng Division Supervision Team. Sa pangunguna ni GPTA president Leonilo Camillonapagpasyahan ang pagkakaroon ng popularity contest upang dito manggaling ang salaping gugugulin sa pagpapabakod ng paaralan.
Ito ang isa sa mga bahagi ng paaralan na nakita ng Division Supervision Team na kailangang mapabakuran dahil na rin sa unti-unting pagsakop ng ilang kabahayan sa lupang pagmamay-ari ng paaralan at ng maaaring nakaambang insidente ng pagnanakaw.
Bingyang-diin din sa pagpupulong ang paghingi ng suporta sa mga magulang lalong-lalo na ng mga nasa mababang baitang at pangkat hinggil sa pagpapaunlad ng pagbasa at matematika bunsod ng hindi magandang resulta ng paaralan sa nakaraang National Achievement Test. Muling ipinaalala sa mga magulang ang No Read No Pass Policy ng kagawaran na isa sa mga sinusunod na polisiya sa pagpapasa ng mag-aaral.
Kasama ng punung-guro ng Camp Tinio na si Ginang Marcelina Arenas ang Faculty President na si Ginang Cipriana Arcia at iba pang mga guro sa paghimok sa mga magulang na higit pang paunlarin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng ibayong paggabay sa mga bata.
No comments:
Post a Comment