Wednesday, December 8, 2010

Pamaskong pandekorasyong sariling likha ng mga estudyante, patok sa Camp Tinio Elementary School


Pasko na!

At Kung ngayong buwan ng kapaskuhan ay napapalamutian ang ilang paaralan ng mga ready-made na pamaskong pandekorasyon, sa ilang bahagi ng Camp Tinio Elementary School ay hindi sapagkat ang mga pamaskong pandekorasyon na sariling gawa ng malikhaing mga kamay ng mga estudyante ay hindi maitatangging uso at patok.

Masining na pinalamutian ng mga grade five at six ang kanilang mga classrooms ng mga pandekorasyong gawa sa iba’t-ibang materyales tulad ng makukulay na papel, mga magazine at diyaryo na sila mismo ang nagdisenyo.

Sa Grade five, agaw pansin ang maliiit na Christmas treeng ito na gawa sa tube ng pinagrolyohan ng tissue paper at maliliit na mga bituing gawa sa lumang magazine.

Pansinin din ang mga bituing mga nakasabit sa kisame na gawa naman sa art paper.

Mayroon ding Christmas tree na gawa sa tingting at garlands na gawa naman sa lumang magazine.

Sa Grade VI, mabubusog naman ang iyong mga mata sa makukulay na mga parol tulad ng mga ito. May pula, dilaw, berde at bughaw.

Lahat ng mga pandekorasyong ito ay sariling likha ng mga mag-aaral at naglalayong paunlarin ang kakayahan ng mga bata sa arts.

Hindi man singganda tulad ng mga ready-made na mga pandekorasyon, hindi naman matatawaran ang karanasan at edukasyong ikinintal ng mga ito sa mga mag-aaral.

Friday, December 3, 2010

Featured Pupil


On The Wheels of Dreams

For common children, it is a must to master how to ride a bike for a simple reason – recreation. But for a “padyak” boy like Freddie, biking means more than just a pastime because for him, biking is living.

“I am earning 200 pesos each day every after class. Part of it is spent in buying two kilograms of rice to feed seven members of our family.” he said with a tone of conviction, which makes him sound older than his actual age.

Since he does not own the tri-bike, as he told, he must take extra care for in case it is wrecked he will be the one responsible for the repair of the bike.

Despite all these, working does not pose a threat for his studies because according to his teachers, Freddie is as diligent in his studies as he is in bicycling.

And just like the wheels of his tri-bike, Freddie dreams that someday, his wheel of fate turns on top as he desires to be a future soldier, or if not, he wants to own many tri-bikes and have them hired by people or children who like him are in need.

CTES experienced wild in Zoobic


It was undeniably a field-trip in a wild!

Scheduled November 27, Camp Tinio Elementary School (CTES) pupils got up close and personal with wild animals as they ventured Zoobic Safari in Zambales.

The field trip which was not compulsory offered new experiences to joining pupils about animals they don’t often see and their lives in the wild.

Animals with talents posted wide smiles to CTES pupils.

Likewise, bonding with family members was indulged by participating families.

CTES has been engaging to Science field trips since last year when they visit Central Luzon State University in Science City of Munoz, Nueva Ecija where they visit science museums in the place.

Carpet supervision sa Camp Tinio Elementary School sinegundahan ng SLAC;...

Camp Tinio Elementary School Robotics, wagi sa District Science Fair

Camp Tinio Elementary School jazzchant

Camp Tinio Elementary School intrams

Camp Tinio Elementary School daycamp

Camp Tinio Elementary School BESRA SLAC

Binibining tubong Cavite nagpakain sa mga severely wasted na estudyante ...

Guardians, sponsor sa feeding program ng Camp Tinio Elementary School

Upang maaksiyunan ang iba pang suhestiyon ng Division Supervision Team, ...

Camp Tinio Elementary School, wagi sa Filipino Readathon

Wednesday, December 1, 2010

NAT review sa Camp Tinio Elementary School, pinaaga


Bilang tugon sa seryosong hangarin ng Camp Tinio Elementary School na mapataas ang performance nito sa National Achievement Test (NAT), tinagubilinan ni Gng. Marcelina Arenas, punungguro ng nasabing paaralan, and mga guro ng Grade III at VI na magsagawa simula Nobyembre ng maagang pagbabalik-aral sa mga araling sakop ng NAT.

Nakasaad sa direktiba ni Gng. Arenas ang paggamit ng oras na nakalaan sa remedial teaching gayundin ang dalawampung minuto bago ang unang klase sa hapon na siyang magsisilbing oras para sa NAT review.

Mahigpit ding tinagubilinan ang mga guro na bigyang pansin ang mga least-learned skills na lumabas sa nakaraang NAT at Spot Test. Aniya, ibayong pagtutok sa mga ito ang kailangan.

Sa pagsasagawa ng review, ang mga mag-aaral ay sasagot sa maikling pre-test na tumatalakay sa isa o higit pang skills. Matapos ang talakayan sa mga naging sagot sa pre-test ay susubukin ang mga bata sa isa namang post-test na may ibang test questions ngunit may parehas na skills tulad ng sa pre-test.

Matatandaang nagsagawa rin ang paaralan ng NAT review noong nakaraang taon subalit hindi ito naging sapat upang umangat ang performance ng paaralan sa NAT kaya’t mas pinaaga at mas pinaigting ang NAT review ngayong taon.

Pambatong makatang guro at masining na kuwentista ng Sangay ng Cabanatuan, kilala na



Nakilala na ang makatang guro at kuwentista na pamabato ng sangay ng Cabanatuan sa antas pang rehiyon matapos nilang maiuwi ang unang puwesto sa katatapos na Pansangay na Paligsahan sa Makata at Masining na Pagkukuwento na ginanap sa Bulwagan ng mga Guro, kahapon.

Sa tikas ng tindig at lundo ng tinig ay nagawang talunin ni Nimrod Mateo ng ACA Elementary School ang tatlo pang mga kalahok sa pagbigkas ng tula na sina Allan David Valdez ng Camp Tinio Elementary School, nasa ikaapat na puwesto,Carmelita San Juan ng Mayapyap Elementary School sa ikatlong puwesto at June Bernabe ng Lazaro Francisco Elementary School sa ikalawang puwesto.

Masining at interaktibong pagkukuwento naman ang naging puhunan ni Eileen Grace Bautista ng Lazaro Francisco Elementary School upang mapataob niya ang iba pang gurong kuwentista na sina Maribel Pangilinan ng Pula Elementary School na nasa ikaapat na puwesto, Charity Guevarra, sa ikatlo, at Rosanna Flores ng Bagong Sikat Elementary School sa ikalawang puwesto.

Sina Mateo at Bautista ang kakatawan sa sangay ng Cabatuan sa Panrehiyong Paligsahan sa Makata at Masining na Pagkukuwento sa ika-tatlo ng Disyembre sa Pampanga.